CAMARINES NORTE- Isa na lang ngayon ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte
Batay ito sa COVID- 19 situational report ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Health Office hanggang nitong Martes, September 13, 2022.
Noong nakaraang linggo ay mayroon itong apat na aktibong kaso batay naman sa datos ng Provincial Health Office.
Sa ngayon ay mayroon itong 190 kabuuang COVID- 19 cases mula noong 2020 na may 21 fatality habang 168 naman ang nakarekober.
Wala ring naitalang paggamit sa Mercedes Ligtas COVID center na mayroong nakalaang 43 kama para sa confirmed, antigen positive at close contact.
Patuloy namang hinihikayat ng LGU ang publiko na suportahan ang Pinaslakas o bakunahan kontra COVID.
Sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Lunes, September 12, 2022 nasa 78. 4 percent na ng 37, 857 na target population ang nabakunahan.
Nasa 70. 4 percent naman ang vaccination coverage sa senior citizen.
Sa target na 4, 076 nasa 2, 870 ang nabakunahan kontra COVID- 19.
