BIR- RDO 64 hindi luluwagan ang face mask mandate, full digitalization ng opisina posible sa susunod na dalawang taon

CAMARINES NORTE- Mahigpit pa ring ipapatupad ng Bureau of Internal Revenue ang health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask sa  loob at labas ng kanilang opisina.

Ito ay sa kabila ng pagluluwag ng face mask mandate sa bansa kasunod ng ipinalabas na Executive Order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.na optional na lang ang pagsusuot nito sa outdoor areas at sa mga lugar na may maayos na bentilasyon.

Ayon kay Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon ipapatupad pa rin nila ang pagsusuot ng facemask para masiguro ang kaligtasan ng mga nagtutungo sa opisina at mga empleado.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kailangan pa ring mag alcohol bago pumasok ng opisina at hindi rin pwedeng crowded sa loob.

Bagamat nagpapasok na ng mga tao sa loob hindi tulad ng dati ay kailangan pa rin aniyang limitahan ito para may social distancing.

Kaya naman kailangan munang maghintay sa labas ng opisna ang iba at pagkatapos ng transaksyon sa loob ay mayroon namang papalit na nasa labas.

Samantala papunta na umano sa full digitalization ang BIR- RDO 64 na posibleng mangyari dalawang taon mula ngayon.

Mandatory na ring hinihingi ng BIR ang email account at contact number ng taxpayer na dati naman ay hindi.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kasi po papunta na tayo sa digitalization siguro two years from now talagang total na na wala nang magiging contact  with the BIR kahit po yang pag process niyo ng mga registration niyo pupwedeng i- online ninyo yan, pero sa ngayon talagang manual pa tayo pero sa system na yun pinapasok namin kami pa ang mga gumagawa pero dadating tayo na kayo na mismo ang gagawa.”

“Kahit po yung pag process ng sa lupa, yan bagong bago lang po September 1 lang yan na lahat po yan dadaan muna sa system.”