Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur, mahigit isang libo pa; COVID ward beds sa BMC nasa high risk

NAGA CITY- 1, 081 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Sur, 55 rito ang nadagdag kahapon habang dalawa ang panibagong nasawi.

Ang mga binawian ng buhay ay residente ng Barangay Mansalay, Goa habang ang isa ay residente ng Siramag Balatan, nag dala sa bilang na 313 deaths.

44 ang nadagdag sa nakarekober kaya umabot na sa 6, 285 ang recoveries sa comulative cases na 7, 679 sa tala ng Environment Management and Emergency Response Office o EDMERO.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Sa record ng Department of Health  (DOH) Bicol, nagagamit ang 73% ng COVID ward beds sa Bicol Medical Center na nasa Naga City  o nasa kategoryang High Risk. Madali na ring mapuno ang COVID beds sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center o Bicol Sanitarium sa bayan ng  Cabusao.

Kaugnay nito nanawagan ang mga health personnel sa mga residente na mag-doble ingat lalo pa marami na ang naitalang COVID variants of concerns sa probinsya.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Isa sa mga nakikiusap si Lupi Municipal Health Officer Dra. Mercy Aguila, aniya hindi madali ang pagpasok sa mga COVID referral centers kung marami ang naka ukupa kaya habang hindi pa tuluyang napupuno ang mga pagamutan ng mga tinamaan ng COVID-19, sumunod sa health protocols at huwag makipagmatigasan sa mga otoridad.