Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, higit tatlong libo na uli

Umabot nang mula sa higit tatlong libo ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling bulletin ng Department of Health, aabot na sa 3,097 ang kabuoang bilang ng active cases ng virus sa Pilipinas.

Ito matapos madagdagan ng 386 ang mga bagong kaso nito.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Mas mataas ito sa 240 na average na naitatala kada araw mula June 6 hanggang 12.

Mas mataas din ito sa record na 308 new infections nitong araw ng linggo.

Una nang napabalita ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level 2 status sa Metro Manila ngunit nilinaw na ng Department of Health na dedepende pa rin ito sa magiging sitwasyon ng hospital utilzation rate at sa mga bilang ng critical and severe cases ng COVID-19.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na naka-standby na sila sakali mang muling maghigpit ang alert level status sa NCR.

Aniya, handa silang tumalima sa magiging rekumendasyon ng IATF at ng health officials para ipatupad ang mas mahigpit na restrictions sa rehyon.
#