VP Robredo, hinamon ang mga opisyal ng gobyerno na magpakita ng SALN

Hinamon ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng gobyerno na ipakita sa publiko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) upang mapatunayan na walang bahid ng korapsyon ang kanilang mga kamay.

Ito ay matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay magiging state auditor ng lahat ng ahensya ng gobyerno kapag siya ay nanalo bilang bise presidente sa darating na eleksyon 2022.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Ayon kay Robredo, ang pag-aaudit umano ay hindi kabilang sa trabaho ng bise presidente dahil nakasaad sa konstitusyon na mandato ito ng Commision on Audit (COA).

Samatala, hinikayat naman ni Robredo ang mga opisyal ng gobyerno na magpakita ng kanilang SALN alinsunod sa requirement ng COA at isapubliko ito upang makakuha ng tiwala ang gobyerno sa publiko.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Matatandaan na noong Setyembre ng nakaraang taon ay hinigpitan ng opisina ng Ombudsman ang pagsilip sa SALN ng mga public officials sa pamamagitan ng paghingi muna ng permiso sa opisyal bago maghain ng SALN request sa kanilang opisina.