Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-regulate at pagbabawal sa hindi tamang paggamit ng social media, artificial intelligence (AI) para sa 2025 national at local elections (NLE) at Bangsamoro elections.
Sa resolusyon na ipinahayag noong Miyerkules, nagtakda ng guidelines ang Comelec en banc sa paggamit, pagbabawal, at parusa para sa maling paggamit ng mga technologies para sa digital campaigning para sa mga eleksyon sa susunod na taon.
Kaugnay nito, ipinag-uutos ng ahensya ang lahat ng mga kandidato at parties na mag-isyu ng disclosure para sa lahat ng election at campaign paraphernalia na ginawa gamit ang AI.
Maliban diyan, sinasabi rin sa resolusyon na lahat ng entity na involved sa pagdi-distribute ng synthetic election-related media ay required na tiyakin na ang lahat ng media ay naglalaman ng nararapat na disclosure alinsunod sa mandato.
Ilan sa mga ipinagbabawal sa campaign period ay ang paggamit ng ‘false amplifiers;’ paggamit ng deepfakes at cheapfakes; paggmit ng hindi rehistradong social media accounts; at paggmit ng content sa tulong ng AI technology pero walang compliance sa transparency, at disclosure requirements sa ilalim ng naturang mga guidelines.
Binigyang-diin ng Comelec na ang paglabad dito ay magrereuslta sa show cause order (SCO).