Patay na ng matagpuan ang 17-anyos na binatilyo sa parking lot ng isang Tenement sa Western Bicutan, taguig.
Kinilala ang biktima na si ‘Melmar’, isang grade 12 student ng Western Bicutan National High School.
Kwento ng magulang, bibili lamang ng milktea ang kanyang anak pero hindi na ito bumalik.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng autopsy sa bangkay ng biktima para malaman ang ikinamatay nito.