Nanganak na ang singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang second baby na si Azena Sylvia Daquina.
Mababatid na ibinandera nina Angeline at asawa nitong si Nonrev Daquina na madadagdagan na ang miyembro ng kanilang pamilya.

Tulad ng ilang mga Nanay nagkaroon din ng problema si Angline noong siya ay nagbubuntis pa lang kay baby Azena.
Ibinahagi noon ng actress na na-diagnose siya sa gestational diabetes na sa tingin niya ay dulot ito ng kanyang lifestyle.
Matatandaang ikinasal ang mag-asawa sa Quiapo Church sa Maynila noong Abril.