Agaton, magpapaulan sa Palaspas

Asahan nang magiging maulan ang Linggo ng Palaspas dahil isa nang ganap na bagyo ang binabantayang sama ng Panahon.

Huling namataan ang sentro ng bagyong ‘Agaton’ sa layong 125 kilometro Silangan-Timogsilangan ng Guian, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras; at bugso ng hangin na aabot ng hanggang 55 kilometro kada oras.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dahil dito, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao, at sa Bucas Grande Islands.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Itinaas din ang Orange Heavy Rainfall Warning sa Samar at Eastern Samar, at Yellow Heavy Rainfall Warning naman sa Leyte at Biliran.

Sa ngayon, stationary at halos di gumagalaw ang bagyo kaya inaasahan ng landfall sa baybayin ng Eastern Samar.

Inaasahan ding tatahakin nito ang direksyong pa-silangan dahil sa epekto ng kalapit na bagyong may international name na ‘Malakas’.
#