Commission on Elections, nakatakda nang magpulong talakayin ang bubuoing task force kontra fake news

Nakatakda nang magpulong ang Commission on Election sa Lunes para talakayin ang mga magiging guidelines at mga miyembro ng bubuoing task force kontra sa fake news.

Ito pa rin ay kasabay ng election season kung saan ay naglipana umano ang disinformation, at pagpapakalat ng mga maling balita.

Read More:  Comelec insists 2028 national elections will push through

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, seryoso ang kanilang tanggapan na sugpuin at tuntunin ang mga nasa likod ng fake news na ito.

Muling iginiit ni Garcia na ang pagpapakalat ng maling balita ay sumisira sa intergridad at kredibilidad ng Halalan.

Read More:  DepEd launches disaster risk platform

Una na kasing kumalat ang mga fake news na kung saan ay mayroon na raw mga pre-shaded na balota o ‘di kaya nama’y may resulta na ang elections.

Sa huli, muling nanawagan ang komisyuner sa publiko na magdoble ingat sa pagshe-share ng mga balita at siguraduhin munang credible ang source ng mga balita.
#