Agaton death toll: 172 fatalities; 104 missing

Hindi pa rin mai-deklara ng mga opisyal na ‘search and retrieval’ na lamang ang ginagawang paghanap sa 104 na missing na biktima ng landslide sa Agaton-hit areas.

Sa isang panayam, sinabi ni 802nd Infantry Brigade commander Col. Noel Vestuir na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila nawawalan ng pagasa na mayroon pa silang mahuhukay na buhay sa mga apektadong barangay sa Region 8.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Samantala, umakyat na sa 172 ang kumpirmadong bilang ng mga nasasawi.

156 dito ang nagmula sa Eastern Visayas, habang 11 naman ang napaulat na fatalities sa bahagi ng Western Visayas dahil sa pagbaha; tatlo mula sa Davao; habang dalawa mula sa Central Visayas.

104 ang patuloy pang pinaghahanap sa Eastern Visayas, lima mula sa Western Visayas’ habang may isa pang missing mula sa Davao.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal, nitong nagdaang Semana Santa ay walang humpay ang paghuhukay ng nasa 300 personnel ng search and rescue team sa area.

Samantala, inaasahang mapagdedesisyunan naman ngayong araw kung hanggang kailan isasagawa ang rescue operations sa mga apektadong lugar.