Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na sapat ang ang security detail ni Vice President Sara Duterte.
Ito’y kahit pa binawasan ng PNP ng 75 na pulis ang security personnel na naka-assign kay Duterte.
Sa panayam sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang nasabing 400 na security detail ay mula pa lamang sa hanay ng Sandatahang Lakas at magdedepende pa aniya ang deployment ng mga ito base sa aktibidad na dadaluhan ng pangalawang pangulo.
Ipinaliwanag ni Padilla, na si VP Sara ang isa sa kanilang kailangang protektahan sa ilalim ng Presidential Security command kaya kinakailangan ng mas maraming security detail.
Samantala, sumasang-ayon din ang AFP da naunang pahayag ng PNP na wala silang na-monitor na banta sa buhay ng ikalawang pangulo base sa threat assessment.