AFP, tinawag na pirata ang mga tauhan ng CCG na nanggipit sa mga sundalong Pilipino sa WPS

Inilabas ng Armed Forces of the Philippines ang mga litrato kung saan ipinapakita nito ang mga dalang armas ng China Coast Guard nang harangin ang resupply mission ng mga sundalong Pilipino sa Ayungin Shoal.

Ipinakita din ng AFP ang mga pinsalang natamo ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Tinawag din ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na mga Pirata ang mga CCG dahil sa kanilang panggigipit sa mga sundalong Pilipino na papunta sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Brawner, pitong sundalo ang nasaktan sa insidente at isa pa ang naputulan ng daliri at kahit walang sandata lumaban ang mga sundalo ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *