Mag-asawang namatay sa car accident ikinasal sa araw mismo ng kanilang lamay

Ghost marriage ang pag-iisang dibdib ng magkasintahang Yang Jingshan at Lee Xueying na ikinasal sa araw mismo ng kanilang lamay.

Nitong Mayo 24 namatay sa isang car accident ang magkasintahang Malaysian nationals.

Bumaligtad ang kotseng kanilang sinasakyan habang binabagtas nila ang isang daan sa Perak sa northwestern part ng Malaysia.

Bago umano mangyari ang insidente balak sanang mag-propose ni Yang  kay Lee sa araw mismo ng kanyang birthday.

Ngunit na udlot ito dahil sa nangyaring aksidente.

Gayunpaman sa tulong ng kanilang mga magulang natuloy ang kanilang kasal sa pamamagitan ng ghost marriage.

Ang ghost marriage ay isang ritual na nagkakasal sa dalawang unmarried dead spirits. Isa itong lumang tradisyon sa China at nakarating ang impluwensya sa kultura ng Malaysia, North Korea, Japan, at iba pang east Asian countries.