Nakatakdang mag recruit ng ‘cyber warriors’ ang Armed Forces of the Philippines.
Ito’y kasunod ng cyberattacks kung saan ilang ahensiya ng pamahalaan ang nabiktima.

Sa media forum, sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na mayroon aniya general realisation na kailangan silang magkaroon ng mga bagong breed of warriors.
Sinabi ni Brawner na ang AFP ay halos araw-araw na nakakaranas ng cyber threats mula sa mga local at foreign actors.
Samantala, iniulat din ni Gen. Brawner na ang military information na na-leak umano sa dark web ay old files mula sa cyberattack noong 2021.
Nilinaw din ni Brawner na walang nakasaad na detalye sa mga file na sensitibo sa seguridad ng bansa.