PBBM, mag-uuwi ng $120M deal mula Saudi

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahang makikinabang ang libu-libong mga Pilipino sa mga kasunduan sa Saudi Arabia na nagkakahalaga ng $120 milyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga kasunduan na lalagdaan ngayon ay nakatakdang makinabang ang mahigit sa 15,000 Pilipino para sa training at employment opportunities sa malawak na hanay ng mga propesyon sa industriya ng konstruksiyon.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Dagdag pa niya na ang Saudi Arabia ay tahanan ng humigit-kumulang isang milyong overseas Filipino workers (OFWs), gayundin ang pinakamalaking komunidad ng mga propesyonal na Pilipino sa mga industriya tulad ng engineering, architecture, at healthcare.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Lumipad ang Presidente sa nasabing bansa para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations at Gulf Cooperation Council summit at inaasahang isusulong ang interes ng bansa sa ekonomiya, agrikultura, at kapakanan ng mga OFW.