5 sa bawat 10 Pilipino, naniniwalang bubuti ang kalidad ng buhay sa susunod na 12 buwan

Halos kalahati o 46% ng mga nasa hustong gulang na mga Pilipino ang umaasa na bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa resulta ng isang nationwide survey na inilabas ng Social Weather Stations o SWS.

Ang mga resulta ng inilabas na survey ay nagpakita na 5% ng mga respondents ay naniniwalang lalala ang kalidad ng kanilang buhay at 44% naman ang ang nagsasabing hindi na ito magbabago.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Hindi naman nagbigay ng kanilang sagot ang natitirang 5 porsiyento.

Nagreresulta ito sa net optimism score na +41, na inuri bilang “excellent” ng SWS. Ito ay tatlong puntos na mas mataas sa +38 na naitala noong unang quarter ng 2023.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ang survey ay mayroong 1,500 respondents, ang mga margin error sa sampling ay ±2.5% para sa national percentages, ±5.7% percent sa Metro Manila, at ±4.0% para sa Balance Luzon.