Itinuturing nang nakakaalarma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumakalat na disinformation campaigns.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., layon ng mga nagpapakalat ng disinformation na sirain ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
Ang naturang hakbang umano ay target na maghasik ng panic at hatiin ang bansa para malihis ang atensyon sa mas mahahalagang issue.
Maaalalang, nauna ng nilinaw ng AFP, na kuha pa noong December 2021 ang mga kumakalat na larawan ng isinagawang air drop mission sa BRP Sierra Madre.
Kasunod nito, pinabulaanan din ng sandatahang lakas ang mga ulat ng umano’y massive shipment ng US military ng mga armas at bala sa PIlipinas.
Sinabi ni Brawner, sa panahon ngayon, importanteng maging maingat sa pagtanggap ng mga impormasyon at sa mga impormasyon na pinapakalat.
Dagdag pa ng AFP Chief, dahil sa disinformation nagiging bukas ang bansa sa mga external challenges na syang nakakaapekto naman sa ating national security at stability.