Panibagong oil spill sa baybayin ng Pola, Oriental Mindoro, hindi galing sa lumubog na tanker na MT Princess Empress – PCG

Nilinaw ng Philippine Coast Guard Station Oriental Mindoro na hindi galing sa lumubog na tanker na MT Princess Empress noong February 28, 2023 ang panibagong oil spill sa baybayin ng Pola.

Ayon kay Captain Airland Lapitan, Station Commander ng CGS Oriental Mindoro, hindi ito residue sa nangyaring insidente sa MT Princess Empress dahil naalis na ang lahat ng langis mula rito.

Isa sa tinitingnang anggulo ngayon ay baka may nagdischarge na barko habang naglalayag sa lugar o baka akidenteng may natapong langis doon.

Sa ngayon ay malaking hamon sa Coast Guard ang mga nakuha nilang sample dahil hindi ito madetect at makuhanan ng specimen dahil sa masyado na itong malabnaw at hindi na makuhanan ng identity.

Tiniyak naman ni Lapitan na hindi na makakaapekto ang nangyaring oil spill sa mga kababayan nating mangingisda sa Pola.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *