Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga akusasyon ng China na nanutok ng baril ang mga tauhan na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Chinese Coast Guard (CCG).
Personal aniyang nakausap ni AFP Chief-of-Staff Romeo Brawner Jr. ang mga sundalong sakay ng nakasadsad na barko at sinabing walang naganap na pagtaas ng armas sa mga Chinese.
Hawak-hawak lamang nila ito upang protektahan ang kanilang sarili, lalo na’t masyadong malapit ang mga Chinese sa BRP Sierra Madre.
Ayon kay Brawner, karapatan ng mga Pilipinong sundalo na magdala ng baril dahil alsinunod aniya ito sa sinusunod nilang rules of engagement.
