BFP: epektibo pa rin ang pagpapatupad ng ban sa paggamit ng fireworks

Higit na mas mataas ang bilang ng mga fire incidents ngayong taon sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Batay sa Bureau of Fire Protection (BFP), umakyat sa 81 ang kabuoang bilang ng mga fire incidents.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay BFP Spokesperson Anne Atienza, mula sa naturang bilang, 9 incidents ang may kinalaman sa paputok – higit na mas mataas sa naitalang 2 insidente noong nakaraang taon.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Paliwanag ng opisyal, hindi naman masasabi na naging mas marami ang mga Pilipinong nagpaputok ngayong taon kaya marami rin ang bilang ng naitalang fire incidents.