Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakapagtala sila ng 41 volcanic quakes sa Kanlaon simula June 30.
Ayon sa Kanlaon Volcano Network (KVN), ang pagyanig ay may pitong shallow tornillo signals at volcanic gas movement sa ibabaw ng volcanic slopes.

Sinabi ng PHIVOLCS na consistent umano ito kung saan tuloy-tuloy ang electronic tilt recording of inflation sa southeastern flanks simula March 2022.
Samantala, inilagay ang nasabing bulkan sa Alert Level 1 kung saan nasa low level of unrest ito.
(ARGIE ERGINA)