Actor Michael Williams natagpuang patay sa kanyang apartment sa New York

Natagpuang patay sa kanyang apartment sa New York city ang aktor na si Michael Williams.

Ayon sa inisyal na report ng mga imbestigador, mayrroong natagpuang drug paraphernalia malapit sa bangkay ni Williams.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa totoong nangyari sa pagkamatay ng aktor.

Umapela naman ng privacy ang pamilya habang nagluluksa sila sa nangyari.

Matatandaan na umamin si Williams noong 2017 na mayroon siyang substance abuse at araw araw niya itong pinaglalabanan bagamat hindi aniya nawala sa kanya ito.

Si Williams na 54 anyos ay nakilala sa pelikulang The Wire.