Aminado ang aktres na si Roxanne Guinoo na meron na siyang sinusunod na restrictions sa trabaho ngayong meron na siyang asawa.
Ibinunyag ito ni Roxanne sa ginanap na media conference para sa season 2 ng kanilang sitcom na tatawgin bilang “Hoy, Love You Too”, kung saan ay patuloy silang magtatamabl ng dati niyang nobyo at on-screen love team na si Joross Gamboa.
Ayon kay Roxanne, conservative at over protective ang kaniyang asawa sa loob ng sampung taon na si Elton Yap.
Gayunman, ipinunto ng aktres ay buo ang suporta na ibinibigay nito sa kaniya at ganun din anya sa sitwasyon ni Joross na suportado ng asawa sa loob ng pitong taon na si Katz Saga.

Ibinahagi rin ni Roxanne na “very gentleman” sa kaniya si Joross, dahil tinatanong naman nito kung ano ang kaniyang restrictions.
Anya, nirerespeto rin nila pareho ang kanilang boundaries.
Aminado naman si Roxanne na dahil “non-showbiz” ang mga asawa nila, ay may mga pagkakataon talaga na meron mga bagay na posibleng hindi maunawaan ng mga ito.
Pero sakaling mangyari ito ay sinabi ng aktres na kailangan lamang nila ipaunawa ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanilang trabaho.