Active case finding o malawakang COVID-testing, isasabay na sa Granular Lockdown sa Naga City

NAGA CITY- 60% ng mga kaso ng COVID-19 sa Naga City ngayon ay hindi na alam kung paano nakuha.

Ito ayon sa tala ng Health Emergency Response Task Force na ibinahagi sa press conference ni Incident Management Team Commander PSO Executive Director Renne Gumba. Kaugnay nito sinabi naman ni City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) Chief at Contact Tracing and Monitoring Team Head Allen Reondanga na napakahirap na ng contact tracing dahil marami ang mga hindi inaabutan sa bahay dahil nagtatrabaho, kung pupuntahan sa pinagtatrabahuhan at positibo rin pala sa COVID-19 muli ay magkakaroon ng contact tracing.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval
Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kaya naman upang mas mapadali, kailangang may mga komunidad na matigil muna ang galaw at ito ay sa pamamagitan ng granular lockdown.

Isasabay dito ang active case finding , sa isang komunidad o lugar magkakaroon muli ng malawakang COVID-testing tulad noong 2020. Iniutos na ni Mayor Nelson Legacion ang house-to-house antigen testing.