Pinuri ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis dahil sa kanilang double performace sa crackdown ng mga ipinagbabawal na paputok sa bansa.
Sa isang panayam, sinabi ni Gen. Acorda, umabot sa 216 thousand ang mga ipinagbabawal na paputok na kanilang nakumpiska , katumbas ito ng 4.1 million pesos.
Mas mataas aniya ang bilang na ito sa 2.5 million kumpara noong nakaraang taon.
Nakakalungkot lang aniya na mayroong naitalang mataas na bilang ng fireworks-related injuries.
Hanggang kaninang alas-6 ng umaga, sinabi ni Acorda , may 935 injuries ang naitala na mas mataas kumpara sa 255 noong nakaraang taon.
Sabi ng PNP Chief, ire-review nila ang mga dahilan kung bakit tumaas ang kaso na isa sa nakikitang factor ay ang pagbebenta online ng mga paputok.