Pinag-aaralan na ng kampo ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang paghahain ng panukalang batas na tutulong sa pagtalakay sa mga isyu sa ilalim ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) sa bansa.
Ayon kay Pimentel, layunin din ng kanilang pinaplanong panukala na mailista ang lahat ng laudable objectives ng PUVM tulad ng paglaban nito sa air pollution at paggamit ng teknolohiya upang mapabuti pa at gawing less pollutive ang mga engine ng ilang lumang jeepney.
Kaugnay nito, ayon sa senador, titiyakin niyang makakuha ng suporta mula sa majority ng Senado dahil tiwala umano siya na nangangailangan ng critical mass support ang pagsulong sa isyu rito.
Samantala, naniniwala si Pimentel na kailangan muna ring idaan sa readjusting at re-examine ng gobyerno ang pagpapatupad nito lalo na sa mga jeepney drivers na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakapag-consolidate ng kanilang mga prangkisa.
Maalala, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board nasa tatlumpu’t tatlong porsyento na ang kanilang naitatala na nakapag-consolidate sa National Capital Region.