Pinatawan ng PBA ng P100,000 na multa si Calvin Abueva dahil sa mocking gesture na ginawa nito kay San Miguel head coach Jorge Galent sa kanilang Game 2 finals.
Nangyari ang insidente sa fourth quarter ilang sandali matapos gumawa si Abueva ng deliberate foul kay Mo Tautuaa na nagbigay sa kanya ng kanyang ikalimang foul ng laban.
Na-subbed out si Abueva dahil dito, kung saan nakitang kinukutya nito ang pisikal na kapansanan ni Galent.
Saad naman ni League commissioner Willie Marcial na humingi na agad ng tawad si Abueva kay Galent noong gabing iyon at nakapag resolba na.
