Nagpapagaling na si King Charles III matapos ma-diagnose sa sakit na cancer, ilang araw lang matapos ang kanyang operasyon para sa enlarged prostate.
Saad ni Prime Minister Rishi Sunak, mabuting maagang natuklasan ng monarchy ang cancer diagnosis ni King Charles kaya’t positibo siyang maagapan ito sa lalong madaling panahon.
Sa payo ng kanyang mga doktor, ipinagpaliban ng Hari ang kanyang mga pakikipag-ugnayan sa publiko habang siya’y nagpapagaling.
Inaasahang namang babalik si Prince Harry sa Great Britain ngayong araw matapos ang balita na ito.
