Above minimum wage earners sa Bicol na kumikitang hindi na tataas sa P395, sakop pa rin ng wage increase ngayong Disyembre – RTWPB

LEGAZPI CITY – Pinal na at kasado ang PHP30 na dagdag sahod para sa mga minimum wage earners ng mga pribadong sektor sa buong rehiyon ng Bicol sa Disyembre ayon sa Regional Tripartite Wage Productivity Board (RTWPB).

Kinumpirma ito ni Board Secretary France Ocmer sa Brigada News FM Legazpi. Kasalukuyan, nasa PHP365 ang minimum wage sa rehiyon at magiging PHP395 sa oras na maging epektibo ang bagong wage increase order.

Read More:  Three CTG members surrender in Caraga as Army unearths arms cache

Subalit, binigyang-diin ni Ocmer, ang isang manggagawa na kumikita ng above minimum, o mas mataas sa PHP365 ngunit mas mababa sa PHP395, entitled din sa nasabing wage increase.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Ani Ocmer, ang wage increase order ngayong taon ay bunga ng madugong deliberasyon at public hearings ng board kasabay ang ibang mga nasa labor sector.

Sinabi niya, dahil sa dagdag na sahod, magiging masaya ang Pasko ng bawat manggagawang Bicolano. Samantala, epektibo ang bagong wage order sa darating na Disyembre 1.