Inihayag ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad ng pagpapalawig ng voter’s registration.
Ito umano ay dahil sa panawagan ng publiko at ng mga mambabatas para sa extension ng mga gustong magparehistro sa COMELEC.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez matapos umano ang isinagawang konsultasyon ng mga Comelec officials at konsiderasyon sa public clamor malaki ang tiyansa na ma-extend pa ang voter’s registration.
Sinabi ni Jimenez na bukas maisasa-pinal ang desisyon ng poll body sa isasagawang en banc sesssion kung saan isa ito sa mga talakayin.
Nakatakdang magtapos ang voter’s registration sa darating na September 30.
Una nang inaprubahan ng Senado at Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagpapalawig ng voter’s registration upang mabigyan pa umano ng oras ang mga eligible voter’s na makapag parehistro.
