Project star, inilunsad ng DSWD at LGU Cabagan

𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗥,𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗔𝗧 𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡 Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 ang isang symposium katuwang ang lokal na pamahalaan ng Cabagan Isabela bilang bahagi ng pagsisimula ng Project STAR o (Start Towards Academic Reintegration).

Nilahukan ito ng 23 na bata at kabataan na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na hindi nag-aaral. Layunin ng programa na inisyatiba ng LGU Cabagan sa pamumuno ni Municipal Mayor Christopher Mamauag, na maitanim sa isipan ng naturang mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon.

Pinuri naman ni Vice Mayor Lovier Masigan ang proyekto na malaking tulong upang bumalik ang interes ng mga kabataan sa pag aaral at mailihis ang mga ito sa iligal na droga.

Inilunsad ang Project STAR ng Provincial Operations Office ng Isabela noong 2023 na nakahanay sa programa ng ahensiya na Bata Balik Eskwela campaign

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *