Isang pusa sa Carolina, USA ang kamakailan binawian ng buhay dahil sa umano’y pakalunok nito ng aabot sa 38 walong hair ties o panali sa buhok.
Ito’y isang rescue cat na nagngngalang Juliet kung saan, ipinaubaya ng kaniyang amo sa Charleston Animal Society.
Subalit sa loob pa lamang ng isang linggo ay tila kapansin-pansin na ang kilos nito na tila may iniimdang karamdaman.
Tila ayaw din kumain ng pusa, kaya naman agad itong isinailalim sa radiograph at dito na napansin na mayroong ano mang bagay ang nasa kaniyang sikmura.
Laking gulat nga ng Charleston Animal Society dahil sa nakita nila ang 38 piraso ng hair ties pagkatapos na maoperahan si Juliet.
Sa hindi inaasahang pangyayari, naging mahirap at komplikado din ang nasabing operasyon na sanhui ng tuluyang pagkamatay nito.
Kaya naman, dahil sa pangyayaring ito ay aghad na nagpahayag ang Charleston Animal Society sa publiko na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga alagang pusa.
Ilayo umano ito sa kahit ano mang uri ng maliliit na bagay upang hindi na maulit pa ang ganitong insidente.###WL