Aabot sa 190k doses ng Sinovac at mahigit 9k doses ng Pfizer vaccine dumating sa Bicol ngayong linggo

BICOL—Sunod sunod ang pagdating ng mga COVID-19 vaccines sa Bicol region ngayong linggo kung kaya naipagpatuloy nang muli ang mga naantalang vaccination activities sa ilang mga lugar.

Nitong Martes, nasa 166,800 doses ng Sinovac vaccine ang unang dumating sa Legazpi City airport kasabay ng 975 vials o 5,850 doses ng Pfizer vaccine.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nitong Miyerkules naman ay karagdagang 23,000 doses ng Sinovac at 585 vials o 3,510 doses ng Pfizer ang muling dumating sa lungsod ng Legazpi.

Sa kabuuan ay nasa 189,800 doses ng Sinovac at 9,360 doses ng Pfizer ang natanggap ng rehiyon sa linggong ito.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Naimbentaryo na ang mga nasabing bakuna at naipamahagi na rin sa mga probinsya.

Kaugnay nito ay patuloy ang paghikayat ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na magpabakuna na bilang dagdag proteksyon sa nakakamatay na coronavirus.#