Mark Anthony Fernandez, kinumprimang matagal nang illegal drug-free

Inamin ng  aktor na si Mark Anthony Fernandez na matagal na siyang malaya mula sa ipinagbabawal na droga.

Sa bagong vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi ni Fernandez ang kanyang personal na buhay at nagbalik-tanaw din sa mga hindi makakalimutang karanasan.

Read More:  Rene Baterbonia supporters react to viral pose by Vice Ganda and Vhong Navarro

Sa ngayon, mag-isa umano siyang namumuhay sa Angeles, Pampanga, matapos itong mahiwalay sa huli nitong karelasyon.

Matatandaan na noong 2016 nang makulong si Fernandez sa San Fernando, Pampanga matapos makumpiskahan sa kanya ang marijuana sa isang checkpoint.

Read More:  Kris Aquino finds renewed inspiration as she returns on cam

Samantala, habang nasa kulungan, lumabas din ang isyu na nakabuntis umano ang aktor ng isang lady guard, bagay na itinanggi nito.

Paglilinaw ni Mark, nagpa-picture lang sa kanya kaya napagkamalan.