Muling humarap sa korte ang R&B singer na si R. Kelly, na ngayon ay nagsisilbi sa kanyang 30-year sentensya dahil sa sex offenses, para harapin ang iba pang kaso.
Si Kelly, na may buong pangalan na Robert Sylvester Kelly, ay nakasuhan sa New York noong Setyembre, dahil sa pagrecruit ng teenagers at mga babae para makipagtalik.
Ang “I Believe I Can Fly” artist ay guilty ng walong kaso ng sex trafficking at isang count ng racketeering.
Sa kaso naman nito sa Chicago, inaakusahan si Kelly at dalawa pa nitong dating associates ng paghila sa 2008 child pornography trial ng singer, kung saan not guilty ang hatol ng jury.
Ang menor de edad na biktima na tumangging tumestigo noong 2008 trial dahil sa umano’y banta at panunuhol, ay nakatakdang humarap sa witness stand sa pagkakataong ito.
Si Kelly, na three-time Grammy Award-winner, ay kinasuhan ng obstruction of justice, producing child pornography, at illegal sexual activity sa menor de edad.
