Negosyante, huli ng CIDG sa pagtataglay ng baril

Arestado ng Criminal Investigation & Detection Group- CIDG Palawan ang isang negosyante na si Rommel Custodio ng Purok Sandiwa, Barangay Tiniguiban , Puerto Princesa City.

Bitbit ang search warrant, ay nagkasa ng Oplan Paglalansag Omega ang pulisya sa pangunguna ni PCPT. PAULINO B. TUGADE JR kontra sa paglabag sa Republic Act 10591.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Hinalughog nila kaninang 6:15 ng umaga ngayong Biyernes ang bahay ng suspek  sa Sandiwa at doon narekober ang baril at mga bala.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Kinumpiska ng CIDG Palawan ang caliber 38 revolver and Wesson na may serial number , isang unit ng Caliber 22 magnum revolver , 18 mga bala para sa 38 revolver at 24 mga bala sa 22 magnum revolver.