Karpintero, hinataw ng martilyo sa ulo

Isinugod sa ospital ang isang Sonny Garate Rosas; 52 matapos na hatawin ng martilyo sa ulo madaling araw ngayong Huwebes sa Employees Village, Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Kinilala ng PNP ang suspek na si Ryan Cabrera Aguila; 32 anyos, construction worker, parehong mga residente sa Employee Village.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Base sa imbestigasyon ng Police Station 2, bago ang insidente ay nag- inuman ang biktima at suspek na humantong sa pagtatalo hanggang sa hinataw na ni Ryan sa ulo si Sonny gamit ang martilyo ng ilang beses.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Narekober sa crime scene ang martilyong ginamit.

Samantala, ang suspek ay nahuli at nahaharap na sa kasong Frustrated Homicide.