Tulay sa Barangay Topland ng Koronadal, bahagyang sinira ng baha

KORONADAL CITY — PANSAMANTALANG isinara sa mga malalaking sasakyan ang isang tulay sa Barangay Topland, Koronadal City matapos na bahagya itong sinira ng malakas na pagbaha.

Ayon kay Punong Barangay Maria Angelica Bermil ng Barangay Topland, bawal munang dumaan sa nasabing tulay ang mga malalaking sasakyan kagaya ng dump truck, mga heavy equipment at iba pa dahil posibleng bumigay ito.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Agad naman umanong silang maglalagay ng warning device sa nasabing tulay na nag-uugnay sa nasabing barangay sa Barangay Sta. Cruz ng Tampakan.

Read More:  Three Iloilo police officers relieved after shooting doctor accused in hit-and-run

Maaari naman itong daanan ng mga maliliit na sasakyan ngunit kailangang ng ibayong pag-iingat.