‘Forceful measures’ ibinabala ng China sa balak ni US House Speaker Pelosi na pagbisita sa Taiwan

Nagbabala ang gobyerno ng China na gagawa sila ng “forceful measures” sa oras na bumisita si U.S. House of Representatives Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, matapos iulat ng Financial Times na pupunta ito sa Chinese-claimed island sa susunod na buwan.

Read More:  Catholic priest killed after large crucifix falls on him during Mass in Ecuador

Batay sa ulat, sinasabing dadalaw rin si Pelosi at ang kanyang delegasyon sa Indonesia, Japan, Malaysia at Singapore, at mananatili sa Hawaii sa headquarters ng U.S. Indo-Pacific command.

Sinabi naman ni Taiwan’s Foreign Ministry na wala pa silang natatanggap na impormasyon, hinggil sa anumang abiso na pagbisita.

Read More:  France to deploy more police amidviolent protests

Samantala, hindi naman kinumpirma o itinanggi ni Drew Hammill, deputy chief of staff ni Pelosi, ang napaulat na international travel dahil sa longstanding security protocols.