Mga LGU kinausap ng DSWD Region 3 para sa mga posibleng paglagyan ng relief goods

Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Field Office III ng consultation dialogue sa mga target na Lokal na Pamahalaan.

Ito ay may kaugnayan sa pagtukoy ng mga posibleng warehouse o storage facilities upara maging posibleng paglagyan ng mga Family Food Packs (FFPs) at Non-Food Items (NFIs).

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Layon nitong matiyak ang kahandaan ng rehiyon at masigurado ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng relief items sa panahon ng sakuna, kalamidad, natural at man-made emergencies.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development Region 3 Director Marites Maristela, nakalipas na araw.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Ang identification, inspection at sealing ng “Relief Prepositioning Agreement” ng mga warehouses ay inaasahan na maisakatuparan ngayong buwan ng Hulyo bilang bahagi din ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: DSWD FO3