Pahinante namatay sa “kuryente”, hindi sa pagkasunog ng mini dump truck sa Legazpi City

LEGAZPI-Nilinaw ng Bureau of Fire Protection Legazpi na ang sanhi ng pagkamatay ng isang pahinante sa nasunog na mini dump truck sa barangay Buraguis, Legazpi City ay hindi dahil sa sunog kundi dahil sa kuryente.

Sa pinalabas na pahayag ng tanggapan, nakilala ang biktima na si Rey Maraño, 28 anyos, ang pahenante ng naaksidenteng truck at nakatira sa Brgy Cogon, Castilla, Sorsogon habang ang sugatan naman ay si Jonathan Marqueses na residente ng Brgy. Sipi, Daraga.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay Jonathan, maulan ng mga oras na iyon, nang inabante nito ang truck matapos idiskarga ang mga dala nitong buhangin ng biglang sumabit at tinamaan ang live wire dahilan upang sipsipin ito ng dump box kaya nasunog ang kanilang sinasakyan.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Aniya si Marano ang nakatayo malapit sa nasabing truck na nadikitan ng live wire hanggang sa nadamay ito bago nasunog an nasabing truck.

Isang Andro Montales, a construction worker na malapitsa lugar ang tumulong sana sa biktima subalit deneklara na itong dead on arrival.

Ayon sa report, ang biktima ay nagtamo ng burn injuries na sanhi ng pagkamatay nito.