SORSOGON CITY—Maliban sa X-Ray reading ay isinama na rin sa ililibre ang ultrasound at CT scan para sa mga “in patient” o mga pasyenteng kasalukuyang naka-admit sa mga ospital na pinatatakbo ng provincial government sa lalawigan ng Sorsogon.
Ito ang bagong patakarang ipatutupad sa mga LGU-run hospitals batay sa direktiba ng bagong gobernadora na si Gov Edwin “Boboy” Hamor.
Kasunod ito ng naobserbahan na karamihan sa mga nagpapakonsulta partikular na sa Sorsogon Provincial Hospital (SPH) ay mga ordinaryong Sorsoganon.
Sakop nito ang provincial, district at medicare hospitals sa buong lalawigan.
Una rito ay inanunsyo ng Provincial Information Office ang paglibre sa x-ray reading kahapon pero dahil sa panawagan ng mga ordinaryong pasyente ay napagdesisyunan na ilibre na rin pati ang ultrasound at CT scan na inanunsyo naman ngayong araw.
(SPIO photo)