Seguridad sa Koronadal, nananatiling payapa

KORONADAL CITY — WALANG anumang banta sa seguridad sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang inihayag ng pinagsanib-pwersa ng Task Group Koronadal, 10th SFC, 5th SF Batallion Philippine Army sa isinagawang pagtitipon ng CPOC-CADAC kaugnay sa 2nd Quarter Meeting.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon sa naturang law enforcement units, na sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang kanilang regular na military at combat operation at pagpapatrolya sa iba’t-ibang mga barangay sa lungsod.

Para naman sa Koronadal City PNP, umaabot sa 17 krimen ang kanilang naitala sa lungsod simula noong Enero hanggang Hunyo at maituturing na itong “crime cleared”.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala sa ilalim naman ng City Anti-Drug Abuse Council, mayroong walong mga Recovering Drug Dependents ang sumasailalim sa 18-month “After Care Program” at nakatakdang madagdagan ng pito pang mga indibidwal.