Mga divers, boluntaryong nagki-clean-up drive kontra crown of thorns sa Mabini, Batangas

Boluntaryong nagsasagawa ng clean-up drive kontra crown of thorns (COTs) o ‘Taeng Kalabaw’ starfish sa karagatang sakop ng Anilao, Mabini, Batangas.

Sa dokumentaryo ni Ka-Brigada Mike Salgado, naidokumento nito ang pagbabalik ng grupo sa dagat para manguha ng mga crown of thorns, isang uri ng starfish na kinakain ang mga bahura o corals.

Sa pangunguna ni Jojo Ng ng Diver Monsters ay una nang nagsagawa ng clean-up drive ang kanilang grupo kung saan nakakolekta sila ng apat na crates ng mapaminsalang starfish sa ilalim ng dagat.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa kanilang pagbabalik sa area nitong nakaraang linggo ay muli silang nakakuha ng mga COTs mula sa pagkakapit sa mga bahura.

Kaugnay nito ay umaapela ng tulong ang grupo sa lokal na pamahalaan para masuportahan ang kanilang ginagawa.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Una nang tiniyak ni Ma’am Rochelle Amboya, Senior Environmental Management Specialist ng PGENRO, handa silang makipagtulungan sa mga volunteer divers at NGOs para sa malawakang clean-up drive kontra COTs.  

Ang kabuuang detalye ng kwento ay mapapanood sa dokumentaryo na “Taeng Kalabaw: Banta ng Koronang Tinik” na naka-upload sa lahat na mga Brigada News FM pages.