LEGAZPI CITY – Marami pa hanggang sa ngayon ang hindi nabibigyan ng fuel subsidy ng gobyerno sa mga driver dahil sa ang mga gumagamit nito ang mga operator.
Ito ang inihayag ni Romy Barbudo, ang tagapagsalita ng Condor Piston Bicol sa Brigada News Fm Legazpi.
Ayon kay Barbudo, sa halip sa driver napupunta ang Fuel Subsidy, ang mga operator ang nakikinabang rito.
Aniya, hindi lahat ng operator ay marunong umintindi sa sitwasyon ng mga driver dahil dito sinasamantala pa ito ng mga operator kung saan sila ang gumagamit o nakikihati pa ito ng subsidy.
Nilinaw ng makakaliwang grupo ang operator ang nabibigyan ng fuel subsidy dahil sa pinagbabasehan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga nakarehistro na mga sasakyan Sinabi pa ni Barbudo, hindi lahat na driver ay nabibigyan ng fuel subsidy dahil direkta na ito napupunta sa mga operator.