Nakakasunod sa ordinansang pagbabawal ng plastic sa Iba Public Market, dumarami na

Dumarami na ang nakakasunod sa ipinatutupad na ordinansang nagbabawal sa paggamit ng plastic bilang lalagyan ng mga dry goods sa Iba Public Market.

Ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Gilbert Ong, sa kanilang pagbisita sa pamilihan nung July 1, marami na aniya ang nagkusang magdala ng bayong, eco bags at kani-kanilang re-usable containers.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Pinapaalalahanan na rin ng mga stall holders ang mga mamimili na bawal na ang plastic na sisidlan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Muli naman nagpaalala ang MENRO na may kaukulang multa ang mga lalabag simula first offense hanggang 3rd offense.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo: MENRO IBA