7th NBA Championship nasungkit ng Warriors

Sa ika-pitong na pagkakataon muling nasungkit ng Golden State Warriors ang NBA championship matapos tambakan ang Boston Celtics sa Game 6 ng finals series, 103-90.

Hindi na pinaporma ng Golden State ang Boston na naghabol sa kabuoan ng laro sa mismong home court nito.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Bumida sa panalo si Stephen Curry na humakot ng 34 points at 7 rebounds.

Nakuha din ni Steph ang unang NBA Finals MVP sa kanyang apat na kampeonato para sa Warriors.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Ito na ang ika-apat na NBA title ng GSW sa loob lamang ng walong taon.