Sanvicente, no-show sa preliminary investigation

Hindi dumalo sa preliminary investigation sa piskalya si Jose Antonio Sanvicente, ang drayber ng SUV na nanagasa sa security guard na si Christian Floralde.

Dumalo naman si Floralde sa pagdinig kahit na mayroon pa raw itong iniindang injury sa kanyang tagiliran matapos gulungan ni Sanvicente.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Ayon sa abugado nito na si Atty. Danny Macalino, nakuha na raw nila ang kopya ng affidavit ng biktima.

Inatasan naman ang kampo ni Sanvicente na magsumite ng kanilang counter-affidavit sa susunod na linggo, June 23.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Dito isasagawa ang ikalawang preliminary investigation kung saan ay required nang dumalo si Sanvicente dahil kailangan nitong sumpaan ang kanyang counter-affidavit.

Sa pagharap naman ni Floralde sa pagdinig, sinabi ng kanilang abugado na pursigido silang ituloy ang kaso.
#