CAMARINES NORTE- Mababa pang masyado ang mga tumatanggap ng COVID- 19 booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong alas 8 ng umaga ng Hunyo 15, nasa 33, 432 pa lang ang nakakapagpa booster o 6. 52 percent.
Ang may pinakamaraming porsineto na nabakunahan ng booster shot ay sa Daet na may 15, 74 % na sinusundan ng San Vicente na may 12. 99 percent.
Ang Basud nama ay nasa 6. 44 percent pa lang habang ang San Lorenzo Ruiz ay mayroong 6. 03 percent.
Ang iba pang mga bayan ay nasa 5 percent o mababa pa ang nakakapagpa booster.
Umaabot naman sa 165, 692 o 32. 30 percent ang nanatiling unvaccinated.
Pinakamataas na porsiento ng mga hindi pa nababakunahan sa Paracale at Sta Elena na mayroong 44. 86 percent 43. 17 percent ayon sa pagkakasunod- sunod.
Sa San Vicente naman ay mayroon na lamang 4. 39 percent na unvaccinated.
